Mayor Sotto, nilinaw na tuloy pa rin ang pagbabakuna sa Pasig

“Mabilis kumalat ang covid pero mas mabilis kumalat ang tsismis!”

Pahayag ito ni Pasig City Mayor Vico Sotto makaraang kumalat na inihinto ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lungsod.

Paglilinaw ng alkalde, tanging City Administrator’s Office lamang ang isinailalim sa lockdown at hindi ang buong city hall.

Tuloy din aniya ang vaccination program sa Pasig.

“Nag announce lang ako na lockdown ang City Administrator’s Office… tapos ang nakarating nang balita sa isang viber group ay lockdown daw buong city hall at tinigil daw ang pagbabakuna…,” saad pa ng alkalde sa Twitter.

Araw ng Miyerkules, September 1, nang ianunsiyo ni Sotto na isasailalim sa lockdown ang City Administrator’s Office matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado.

Read more...