BREAKING: Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 16,621

Mahigit 16,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (September 2), pumalo na sa 2,020,484 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 146,510 o 7.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 16,621 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

96.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsyento ang asymptomatic; 0.99 porsyento ang moderate; 1.1 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 148 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 33,680 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 10,965 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,840,294 o 91.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...