Nakapagbigay na ang Quezon City local government sa humigit-kumulang 1.7 milyong indibiduwal nang hindi bababa sa isang dose ng COVID-19 vaccine.
Sa datos hanggang August 31, nasa kabuuang 1,701,211 katao ang naturukan ng bakuna.
Lagpas ang naturang bilang sa target na 1.7 milyong katao o 80 porsyento ng adult population sa lungsod upang maabot ang population protection.
Samantala, 750,419 katao naman o 46.72 porsyento ang naturukan ng second dose, kabilang ang 844,149 indibiduwal na nabigyan ng Janssen vaccine.
Sa kabuuang, nakapag-administer na ang lokal na pamahalaa ng 2,451,630 vaccine doses mula March hanggang August 2021.
Binati naman ni Mayor Joy Belmonte ang aktibong partisipasyon ng mha residente at empleyado.
“I am proud that our QC residents and workers are one with us to achieve population protection. We thank them for their patience and cooperation throughout the entire vaccination process,” saad ni Belmonte.
Siniguro naman ni QC Task Force Vax to Normal Co-chair Joseph Juico na magpalatuloy pa rin ang pagbabakuna sa lungsod.
“Aside from ensuring the remaining second dose inoculations, our vaccination sites will remain operational to vaccinate all eligible residents as long as we receive vaccine supplies from our procurement and the national government,” ani Juico.
Nagpasalamat din ang alkalde sa Quezon City vaccination team kabilang ang health workers, local government at barangay staff, volunteers, at active vaccination partners tulad ng malls, homeowners’ associations, businesses, churches, universities, at iba pa.
“Without the dedication of our whole vaccination team and our partners, we would not have achieved this number in so little time considering the number of individuals that we are targeting. For their invaluable support, we are truly grateful on behalf of our QCitizens,” ani Belmonte.