Palasyo, hahayaan ang mag-amang Duterte na ayusin ang gusot sa kanilang pamilya

Hahayaan na ng Palasyo ng Malakanyang ang mag-amang Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na ayusin ang gusot sa loob ng kanilang pamilya.

Pahayag ito ng Palasyo matapos pabulaanan ni Mayor Sara ang pahayag ni Pangulong Duterte na kaya panay ang dalaw ni Senador Imee Marcos sa Davao para kuning running mate at maging kandidato sa pagka-bise presidente ni Mayor Sara.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, masyado nang personal ang isyu.

Mas makabubuti aniyang hayaan na lamang ang relasyon ng mag-ama at hindi na panghimasukan pa.

Ayon kay Roque, ang mahalaga ay malalaman din naman sa Oktober 8 sa filing ng certificate of candidacy kung sino ang mga sasabak sa pagka-presidente at bise presidente.

“Masyadong personal na po iyong tanong ‘no. Hinahayaan ko na po iyong relasyon ng mag-ama ‘no. I don’t think we should inquire into that. Ang importante po malalaman naman natin in October 8 or come October 8 kung sino talaga ang tatakbo. But even as Spokesperson, hindi ko po pinanghihimasukan ang relasyon ng mag-ama,” pahayag ni Roque.

Read more...