Roque kay Drilon: Tutukan na lamang ang isyu ng umano’y overpriced PPE

Photo grab from PCOO Facebook video

Mukhang hindi ninyo naiintindihan ang troll.

Bwelta ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Seandor Franklin Drilon matapos tawagin ng senador na troll ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbubunyag na mas mataas ang presyo ng mga biniling personal protective equipment (PPE) noong administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III kumpara sa kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Roque, mas makabubuting mag-focus na lamang si Drilon sa isyu at sa katotohanan na hindi hamak na mas mahal ang mga biniling PPE ng Aquino administration na aabot sa mahigit P3,000 kumpara sa P1,900 na PPE na binili ng administrasyong Duterte sa gitna ng pandemya sa COVID-19.

Sinabi pa ni Roque na ang usapin sa PPE ay overpricing.

Nanindigan pa si Roque na ang mga biniling PPE ng kasalukuyang administrasyon ay hindi overpriced.

Una rito, tinawag ni Drilon na troll si Roque nang isisi at ikumpara ang mga biniling PPE ng dalawang administrasyon.

Kinukwestyun kasi ni Roque ang pananahimik noon ni Drilon sa mga biniling PPE dahil kapartido niya ang dating Pangulo sa Liberal Party.

Read more...