Pangunahing suspek sa Aika Mojica slay, nasa bansa na

Aika MojicaDumating na sa bansa ang pangunahing suspek sa Aika Mojica slay case.

Si Jonathan Dewayne Ciocon Viane ay balik-Pilipinas kaninang umaga matapos ma-extradite mula sa Estados Unidos.

Nauna nang naaresto ang Filipino-American na si Viane ng mga otoridad sa Amerika noong September 4, 2015.

Matatandaan na si Viane ang sinasabing gumahasa at pumatay kay Mojica sa San Felipe, Zambales noong July 2015.

Umalis ng Pilipinas si Viane, isang araw lamang matapos matagpuang patay si Mojica sa isang dike sa Santo Tomas River.

May kinakaharap nang kasong murder si Viane sa Olongapo Prosecutor’s Office.

 

Read more...