Mga reklamo sa Ombudsman vs Gov. Padilla, hindi pa rin umano naaksyunan

Humingi na ng tulong si Nueva Vizcaya Vice Governor Jose Tam-an Tomas Sr. kay Ombudsman Samuel Martires kaugay ng mga reklamong isinampa laban kay Governor Carlos Padilla.

Sa liham ni Vice Governor Tomas kay Omdudsman Martires na may petsang Agosto 26, 2021 l, sinabi nitong may mga reklamo na siyang isinampa laban kay Padilla sa Office of the Omdudsman noon pang Pebrero 2021subalit hanggang ngayon ay hindi pa umano naaaksyunan.

Kabilang sa mga reklamong ito ay Grave Misconduct, Oppression, Abuse of Authority and Conduct Prejudicial to the Interest of the Service, paglabag sa Anti – Graft and Corrupt Practices Act, Usurpation of Public Officials Functions at paglabag sa Republic Act 6713.

Ipinaliwanag ng Bise Gobernador na matapos ang ilang buwan simula nang ihain ang reklamo, ni hindi man lamang nalagyan ng docket numbers ang reklamo sa Ombudsman, na kontra aniya sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan at tapusin ang graft and corruption sa pamahalaan.

Idinagdag pa ni Tomas sa kanyang liham na maging ang Presidential Anti- Graft and Corruption (PACC) at National Bureau of Investigation (NBI) ay naghain ng reklamo laban kay Padilla kabilang ang kasong paglabag sa R.A. 9184 at R.A. 3019 kaugnay ng mga di natapos na proyekto sa lalawigan na nagkakahalaga ng P149 milyon.

Ayon pa kay Tomas, ang Deputy Ombudsman for Luzon ay umaksiyon sa reklamo laban sa kanya na kinabibilangan ng paglabag sa R.A. 3019, R.A. 112469 at Grave Misconduct dahil sa umano’y paglabag sa panuntunan ng National Task Force Against COVID-19 na inihain ng isang Robert Corpuz na nagtatrabaho sa tanggapan ng gobernador.

Paliwanag ni Tomas, ibinatay ang reklamo ay ibinatay sa hindi pagkakaunawaan nginiy agad inaksyunan ng Ombudsman for Luzon.

Kumpiyansa si Tomas, na nanatiling independent at walang bahid ng kurapsiyon sa tanggapan ng Deputy Ombudsman for Luzon.

Naninindigan si Tomas sa integridad at katapatan sa serbisyo at sa bayan ni Ombudsman Samuel Martirez.

Read more...