Pag-alis sa pondo para sa cancer program ikinagalit ni Sen. Nancy Binay

Labis na ikinadismaya ni Senator Nancy Binay ang pagkakatanggal ng cancer fund sa 2022 budget ng Department of Health (DOH).

“The DOH should have taken our cue when we allocated P620 million last year for cancer. Batas ‘yan, at long-term priority. Instead of moving forward this is a step back that we should correct. When survival matters, you don’t make lifelines invisible,” diin ni Binay.

Aniya ngayon tao ay pinaglaanan ng P620 milyon ang cancer fund, P500 milyon para sa Cancer Control Program at P120 milyon Cancer Assistance fund.

Ipinangako ni Binay na aayusin ang maling hakbang na ito sa pamamagitan ng paghahain ng amyenda kapag nagsimula ang deliberasyon sa Senado ng pondo ng DOH sa susunod na taon.

Una nang inalmahan ng Cancer Coalition of the Philippines ang pagkakatanggal ng cancer fund bilang line item sa pondo ng DOH at sa halip ay isinama na ito National Integrated Cancer Control Program at sa pondo ng non-communicable diseases.

“Hindi katanggap-tanggap na tila hindi permanenteng priority ang suporta para sa mga cancer patients natin. Dahil nakabulto lang sa NCD budget, walang linaw kung magkano ba talaga ang nakalaan, at ang pangamba ay baka paglaruan lang ang budget na ito,” giit ng senadora.

Read more...