Ulat sa paggastos ng pondo hiningi ni Pangulong Duterte sa lahat ng ahensiya

Nais malaman ni Pangulong Duterte kung saan napupunta ang pondo ng lahat ng ahensiya at tanggapan ng gobyerno.

Kayat inatasan niya ang mga miyembro ng gabinete na gumawa ng ulat ng kanilang mga pinagkagastusan.

Ang hakbang na ito ng Malakanyang ay bunsod ng pag-iimbestiga ng Senate Blue Ribbon Committee sa P67 bilyon COVID 19 fund ng Department of Health.

Katuwiran ni Pangulong Duterte sa kanyang utos kailangan ay maipakita sa mamamayan kung saan napupunta ang pondo ng bayan.

Aniya bahala na ang mamamayan kung ano ang magiging pagtanggap sa mga isasapublikong ulat, gayundin sa Senado.

Read more...