Epektibo sa darating na Setyembre 6 ang itinakdang ‘price ceiling’ ng Department of Health (DOH) para sa COVID 19 swab test.
Base sa Department Circular No. 2021 – 0374 ng kagawaran, sakop ng price cap ang mga pampubliko at pribadong pasilidad, gayundin ang inaalok na home service.
Sa mga pampublikong pasilidad, hanggang P2,800 lang ang maari nilang singilin kung plate-based testing ang gagamitin, samantalang P2,450 naman kung cartride-based (GeneExpert).
Hanggang P3,360 naman ang maari lang singilin sa plate-based at P2,940 ang price limit sa cartridge-based sa mga pribadong pasilidad.
Itinakda naman sa P1,000 ang maaring lang singilin na dagdag sa home-service.
Ang mga naturang halaga ay mas mababa na sa unang itinakda noong nakaraang Nobyembre na P4,500 hanggang P5,000 sa private laboratory at P3,800 sa public laboratory.