Bilang ng enrollees para sa S.Y. 2021-2022, higit 13.5-M na

Umabot na sa 13.5 milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll para sa School Year 2021-2022.

Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) hanggang 2:00, Miyerkules ng madaling-araw, September 1, nasa 13,540,090 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021; 8,472,801 enrollees sa public; 498,343 sa private; habang 11,619 naman sa SUCs/LUCs.

Pinakamarami pa ring naitala sa Region 4-A na may 2,156,276 enrollees.

Sumunod dito ang National Capital Region na may 1,367,108 enrollees, at Region 3 na may 1,243,975 enrollees.

Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.

Read more...