Ang naturang panukala ay consolidation ng House Bill 4990 at Senate Bill 2955.
Kapwa naratipikahan ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report ng panukala noong February 02, 2016.
Ayon kay Tarlac Rep. Susan Yap, ponente ng House Bill 4990, ang panukalang batas ay layong bumuo ng ‘clear-cut guidelines’ hinggil sa procedures para sa OWWA membership registration at renewal.
Sa oras din aniya na maging ganap na batas ang panukala, tiyak na mayroon nang operative budget ang OWW para suportahan at protektahan ang mga OFW at mga pamilya nila.
Sa ilalim pa nito, ang OWWA Secretariat ay itatatag bilang implementing arm ng OWWA, at pamumunuan ng isang administrator at chief executive officer, habang mayroon ding dalawang deputy administrators.
Kukumpleto sa grupo ang OWWA board of trustees na may labing dalawang miyembro, na siyang chaired ng Labor Secretary.
Kabilang sa mga serbisyong ipagkakaloob ay reintegration ng OFWs, repatriation assistance, loan at credit assistance, workers assistance at on-site services, social benefits gaya ng death, disability at health care, at educational at training benefits.