Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, na siya ring Pangulo ng Pro-Life Philippines, si Binay ang tanging Presidential bet na may kakayahang protektahan ang lipunan at pamilyang Pilipino laban sa mga banta gaya ng aborsyon, summary executions at kahalintulad na masamang aksyon.
Sa pagkabiise presidente naman, si Senador Gringo Honasan ang ineendorso ng Pro-Life Philippines.
Sa hanay ng mga kandidato sa pagka-senador, suportado ng Pro-Life Philippines sina: Saranggani Rep. Manny Pacquiao, Senador Tito Sotto, Leyte Rep. Martin Romualdez, Princess Jacel Kiram, dating Rep. Dante Liban, Pasig City Rep. Roman Romulo; dating Senador Juan Miguel Zubiri, at Diosdado Valeroso.
Sinabi ni Atienza na una sa listahan si Pacquiao dahil sa pagiging malakas na pro-life advocate nito, pagiging relihiyoso at matapang na pagtutol sa Reproductive Health Bill noon.
Hinimok naman ni Atienza ang lahat ng mga Katoliko sa buong bansa na busisiing mabuti ang background ng mga kandidato, lalo na kung may kakayahan baa ng mga ito na alagaan at tiyakin ang kapakanan ng mga pamilyang Pilipino.