“We have locked down several offices at City Hall, including the City Administrator’s Office. due to several staff members testing positive for COVID,” ang post ni Sotto sa kanyang Facebook account.
Kaugnay nito, humingi ng pang-unawa ang opisyal dahil sa pag-lockdown sa ilan sa kanilang mga tanggapan.
“Hindi pa normal ang trabaho sa City Hall..tapos ngayon napilayan na naman tayo. Pagod na tayo. Pero kakayanin natin to. Laban lang ng laban, mga Pasigueño!” ang panghihikayat ni Sotto sa kanyang mga kababayan.
Nabatid na hanggang kahapon, Agosto 31, may 2,030 active cases sa lungsod.