Base sa paunang datos, 76,355 ang nagsumite ng kanilang scholarship programs ng ahensiya.
Isinagawa aang enrollment para sa mga Filipino high school graduates, na may edad 15 pataas, na nais ng libreng technical-vocational trainings.
May mga TESDA regional at provincial offices na nagsagawa ng face-to-face setup alinsunod sa umiiral na quarantine restrictions sa lugar.
Sinabi ni TESDA Deputy Dir. Isidro Lapeña kapag tinawagan na ang mga aplikante, sila naman ay tutulungan sa kanilang enrollment sa kinauukulang training centers.
Aniya itinuturing na nilang tagumpay ang malaking bilang ng mga aplikante kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-27 taon ng TESDA at National Tech-Voc Day.