Number coding, suspendido pa rin

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido pa rin ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa pagpasok ng ‘ber’ months.

Sinabi ng ahensya na pinapayagan ang pagbiyahe para sa essential goods at pagpasok sa establisyemento o aktibidad na pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na magbukas o mag-operate.

‘Until further notice’ epektibo ang suspensyon, saad ng MMDA.

Patuloy na hinikayat ng ahensya ang publiko na sundin ang health protocols laban sa COVID-19.

Read more...