COVID-19 vaccination sa Maynila, itinigil dahil sa technical problem

Manila PIO photo

Itinigil ng Manila Health Department (MHD) ang lahat ng COVID-19 vaccination operations sa lungsod.

Ayon sa Manila Public Information Office, ito ay bunsod ng napaulat na technical problem sa online vaccination system ng lokal na pamahalaan.

Idineklarang sarado ang lahat ng vaccination site para sa first at second dose simula 4:00, Miyerkules ng hapon (September 1, 2021).

Sinabi ni MHD chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan na tinitignan na nila kung bakit bumagsak ang online vaccination system.

Read more...