“Sa kabila ng mahigpit na pagsunod sa umiiral na health protocols, ikinalulungkot ko pong ibalita na ang inyong lingkod ay positibo sa Covid-19,” pahayag ng alkalde.
Gayunman, tuloy pa rin aniya ang kanilang pagseserbisyo habang naka-isolate at nagpapagaling.
Sinabi ni Pacumio na asymptomatic siya o walang nararamdamang sintomas ng nakahahawang sakit.
Negatibo naman aniya sa RT-PCR test ang mga close contact sa kaniya, kabilang ang kaniyang pamilya.
“Mananatiling bukas ang mga serbisyo ng LGU Tanza para sa inyo lalo na sa kritikal na panahong ito,” pagtitiyak pa nito.
Humiling naman ang alkalde sa publiko na mag-ingat at magdasal para malabanan ang COVID-19 pandemic.