Petron, may mahigit P17 na dagdag sa presyo ng LPG bukas

LPGHindi magandang balita ang sasalubong sa mga manggagawa bukas, May 1, Labor day.

Ito ay dahil mahigit pisong dagdag ang Petron sa kada liko ng kanilang Liquified Petroleum Gas o LPG.

Sa abiso ng Petron, P1.55 ang dagdag sa kada kilo ng LPG.

Katumbas ito ng P17.05 na dagdag sa kada 11-kilogram na LPG cylinder.

Kasabay nito, may dagdag din na P0.90 sa kada litro ng kanilang AutoLPG ang Petron.

Epektibo ang dagdag presyo alas 6:00 ng umaga bukas.

Ayon sa Petron ang paggalaw sa presyo sa pandaigidigang pamilihan ang dahilan ng kanilang price increase.

Read more...