Metro Manila at mga kalapit na lalawigan apektado ng thunderstorm

Thunderstorm AdvisoryNakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa thunderstorm.

Ayon sa abiso ng PAGASA, alas 3:30 ng hapon nang magsimulang maapektuhan ng thunderstorm ang Metro Manila partikular ang Malabon at Caloocan.

Sa San Joe Del Monte, Bulacan; mga bayan ng Antipolo, San Mateo at Rodriguez sa Rizal; Calaca at Lemery sa Bataan; Magalang, Pampanga, Concepcion, Tarlac, San Marcelino, Sta. Cruz, Masinloc, Palauig at Poonbato sa Zambales ay nakararanas din ng thunderstorm.

Ayon sa PAGASA mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang maaring maranasan sa nabanggit na mga lugar sa susunod na dalawang oras.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa pagbugso ng ulan at hangin na may kasamang pagkidlat.

Sa naunang abiso ng PAGASA, nakaranas din ng pag-ulan dahil sa thunderstorm ang mga bayan ng San Miguel at San Ildefonso sa Bulacan, Los Banos sa Laguna, at ang Marikina at Quezon City.

Read more...