Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (September 1), pumalo na sa 2,003,955 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 140,949 o 7.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 14,216 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsyento ang asymptomatic; 1.03 porsyento ang moderate; 1.2 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 86 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 33,533 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 18,754 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,829,473 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.