Pangulong Duterte, nanatiling chairman ng PDP-Laban

Photo grab from PCOO Facebook video

Nanatiling chairman ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na pinatalsik na sa puwesto ang Pangulo ng paksyon ni Senador Koko Pimentel at ipinalit ang kanyang sarili.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa pananaw ng Pangulo, nanatili siyang chairman ng partido.

Sinabi pa ni Roque na kailangan na talagang madesisyunan ng Korte Suprema kung aling paksyon ang kikilalaning lehitimong paksyon ng partido.

Kung ang paksyon ng Pangulo o paksyon ni Pimentel.

Nakatakdang magpatawag ng national convention ang paksyon ni Pangulong Duterte sa September 8 sa San Jose del Monte City Convention Center sa Bulacan.

Read more...