Palasyo sa pagpuna ni Pangulong Duterte sa katabaan ni Sen. Gordon: “Mea culpa”

Photo grab from PCOO Facebook video

Mea culpa.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pagpuna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katabaan ni Senador Richard Gordon.

Ayon kay Roque, hindi na dapat na binatikos pa ng Pangulo ang katabaan ni Gordon.

Sinabi pa ni Roque na hindi na dapat na sitahin ng Pangulo si Gordon dahil siya rin ay mataba.

Ayon kay Roque, nagtatangka naman siyang magpapayat pero sarado ang mga gym dahil sa umiiral na quarantine restrictions.

“I may be spokesperson but I agree. Mr. President, ‘wag mo na sitahin ang katabaan dahil, mea culpa, mataba rin ako. Mea culpa, Mr. President, magpapapayat na rin ako kaya lang sarado ang mga gym,” pahayag ni Roque.

Binatikos ni Pangulong Duterte si Gordon dahil sa pitong oras na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee kaugnay sa hindi nagastos na P67 bilyong COVID-19 fund ng Department of Health (DOH).

Una rito, pinayuhan ng Pangulo si Gordon na magpapayat na dahil nahihilo siya kapag nakikita ang senador.

Read more...