Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa P1,700 lamang ang mga biniling PPE habang nasa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.
Mas mataas ito sa P3,000 na PPE na binili sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2015 at 2016.
Aabot sa P8.6 bilyon ang ginastos ng Duterte administrasyon para sa pagbili ng PPE, face mask, face shield sa Pharmally Pharmaceuticals.
Tanong ni Roque, bakit hindi busisiin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kanyang mga kakampi sa Liberal Party.
Sinabi pa ni Roque na tiyak na may kumita noon pero ang tiyak ay hindi ang kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Roque, presyo at kalidad ang pinagbasehan ng administrasyong Duterte sa mga biniling PPE.