‘Corruption network’ sa P8.6B Pharmally scandal nabunyag sa Blue Ribbon hearings

Sinabi ni Senator Leila de Lima na bunga ng dalawang pagdinig na ikinasa ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga naging obserbasyon ng Commission on Audit (COA) sa paggasta ng pondo ng Department of Health (DOH), nabunyag ang tinawag niyang ‘corruption network.’

Tinukoy niya sina Pangulong Duterte, Health Sec. Francisco Duque III, dating Budget Usec. Christopher Lao, at ang negosyanteng si Michael Yang na maaring madiin sa kontrobersiya.

“Apparently, the mastermind behind the 8.6 billion Pharmally heist is none other than Duterte himself,” sabi ni de Lima.

Bukod sa nabunyag sa pagdinig sa Senado, mismong si Pangulong Duterte, ayon kay de Lima, ang umamin ng kanyang koneksyon kina Lao at Yang.

Ibinahagi ni Pangulong Duterte na fraternity brother, campaign leader at abogado niya si Lao sa Davao City, samantalang si Yang naman ay kilalang malapit din na kaibigan ng Punong Ehekutibo.

Lumalabas, sinabi pa ni de Lima, na maaring dumiretso na kay Pangulong Duterte sina Lao at Yang.

Dinipensahan naman ni Pangulong Duterte sina Lao at Yang at siya naman ay ipinagtanggol ni Sen. Christopher Go.

Read more...