Isinapubliko ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang maaaring dahilan nang pagbagsak ng C-130 transport plane sa Sulu, na ikinasawi ng 53 katao, kamakailan.
Sa paharap ni Lorenzana sa House Committee on Appropriations para sa deliberasyon ng 2022 budget ng Department of National Defense, sinabi nito na maaring bukas ay mailabas na ang ulat.
Ayon kay Lorenzana ang pagbagsak ng C-130 plane ay maaring bunga ng mga depektibong instrumento at sistema ng eroplano.
Gayundin aniya ang ginawa ng piloto na hindi angkop sa sitwasyon.
Kaugnay naman sa pagbagsak ng Black Hawk utility helicopter sa Capas, Tarlac noong Hunyo, sinabi ni Lorenzana na ito ay bunga naman ng masamang panahon.
Bago ang pagbabahagi ng mga dahilan, nilinaw na ni Lorenzana na ang mga ito ay base sa kanyang nalaman mula sa mga imbestigador.
Anim na opisyal at tauhan ng Philippine Air Force ang nasawi sa trahedya.