Vaccination rollout sa Manila health centers nagsimula na

MANILA PIO PHOTO

Ikinasa na ang COVID 19 vaccination rollout sa ilang barangay health centers sa Maynila.

Kasabay ito nang pagpapatuloy ng bakunahan sa apat na shopping malls sa lungsod, ayon sa Manila Health Department.

Nabatid na maari ang walk-in sa mga mga vaccination centers sa lungsod para sa kanilang first dose bunga na rin ng mababang bilang ng mga nagpapabakuna.

Nitong nakalipas na dalawang araw ay humigit kumulang 9,000 doses lamang ang naiturok.

Naglaan ang pamahalaang-lungsod ng 1,500 doses sa bawat distrito sa lungsod.

Read more...