Mga nakapag-enroll para sa S.Y. 2021-2022, umabot na sa 12.6-M

Umabot na sa 12.6 milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll para sa School Year 2021-2022.

Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) hanggang 2:00, Martes ng madaling-araw, August 31, nasa 12,697,558 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021; 7,693,878 enrollees sa public; 437,426 sa private; habang 8,927 naman sa SUCs/LUCs.

Pinakamarami pa ring naitala sa Region 4-A na may 2,073,397 enrollees.

Sumunod dito ang National Capital Region na may 1,278,207 enrollees, at Region 3 na may 1,173,911 enrollees.

Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.

Read more...