4 sugatan sa pagpapasabog sa convoy ng isang pulitiko sa La Union

Agoo La UnionNakaligtas ang isang kongresista matapos basabugin ang kaniyang convoy sa bayan ng Agoo sa La Union kaninang umaga (April 30).

Itinanim umano sa motorsiklo ang bomba at pinasabog gamit ang triggering device  nang dumadaan na ang convoy ni outgoing Rep. Eufranio Eriguel sa bahagi ng Verceles Street sa Barangay Sta. Barbara.

Tinamaan ng bomba ang back-up vehicle ni Eriguel at malubhang nasugatan ang apat na sakay nito kabilang ang bayaw ng kongresista na si SP02 Jack Baguan na nakatalaga sa Rosario police station.

Agad dinala sa pagamutan ang mga sugatan.

Ayon kay Atty. Julius Torres, acting director ng Commission on Elections sa Ilocos region, tinutukoy pa nila kung election related ang naganap na insidente.

Hindi naman na kasi tumatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno si Eriguel para sa May 9 elections.

Gayunman, ang asawa nito na si Agoo Mayor Sandra Eriguel ay tumatakbong kongresista habang ang anak nila ay tumatakbong alkalde sa Agoo.

 

 

 

 

Read more...