Comelec, pinayagan ang pagdadala ng kodigo sa pagboto sa mga polling precinct

INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Papayagan ng Commission on Elections na makapag-dala ng “kodigo” ang mga botante sa loob ng polling precinct.

Katunayan,  sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na mas makakabuti ito para mapabilis ang proseso kaya mas nirerekomenda nila na magdala na ng listahan ang mga botante.

Payo ni Chairman Bautista sa mga botante na gumawa na ng sarili nilang listahan bago magtungo sa mga voting precinct upang hindi na maabala lalo sa pagpili ng kanilang mga iboboto.

Papayagan din ng Comelec ang pamumudmod ng sample ballots ng mga kandidato pero kailangan aniyang malayo sa presinto ang mga namimigay ng sample ballots.

Pinapayuhan din ng Comelec ang mga botante na agad na alamin kung saang lugar sila boboto bago pa sumapit ang araw ng halalan.

Itinakda ng Comelec ang voting hours mula alas sais ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

 

Read more...