Anak ni Mayor Rodrigo Duterte, dumepensa sa mga batikos sa kaniyang ama

Sara Duterte
Sara Duterte

Pumalag ang anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte  sa kabi-kabilang banat ngayon sa kaniyang ama.

Iginiit ni Sara Duterte na malinaw na “black propaganda” ang ipinupukol na bintang sa kaniyang ama gaya ng mga hindi deklaradong kayamanan.

Dahil dito,  hinamon ni Sara ang mga nag-aakusa sa kanyang ama na pormal na maghain ng kaso laban sa alkalde lalo’t sa paniwala nila ay totoo ang ibinibintang sa kanyang ama.

Kaugnay nito,  hindi naman inamin at hindi rin itinanggi ni Sara ang ‘di umanoy joint account nila ng kanyang ama sa isang bangko sa Pasig City.

Pero itinanggi nito na mayroon silang mga ari-arian na hindi nakadeklara.

Read more...