Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang tatlong milyong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac.
Nakalapag ang eroplanong may dala ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, Martes ng hapon.
Ang panibagong batch ng dumating na bakuna ay binili ng gobyerno ng Pilipinas.
Base sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang araw ng Martes (August 31, 2021), umabot na sa kabuuang 33,099,392 ang bilang ng naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES