Ikatlong hacker ng website ng Comelec, tinutugis ng NBI

Comelec-defaced-site-620x1043Tinutugis na rin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang isa pa at ikatlong hacker ng website ng Commission on Elections.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa isa pang hacker na si Joenel de Asis sa bahay nito sa Muntinlupa City at noong nakaraang linggo ay naaresto rin ang bagong graduate lang na si Paul Biteng.

Ayon kay NBI Computer Crimes Division Chief Roland Aguto,  kailangang mahuli nila ang ikatlong suspek bago sumapit ang halalan sa Mayo a-nueve at naniniwala silang nananatili lang ito sa Metro Manila.

Kasabay nito,  nagbabala ang NBI na huhulihin nila ang sinumang indibidwal na nagdownload sa nag-leak na impormasyon mula sa Comelec website.

Binalaan rin nila ang publiko na maaaring maharap sa mas mabigat na kaso ang mga nagdownload at gumamit ng personal data sa kumalat na voters’ information.

Read more...