Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang pitong mangingisda dahil sa illegal fishing sa karagatang sakop ng Loay, Bohol noong August 29, 2021.
Isinagawa ang joint seaborne patrol matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang concerned citizen ukol sa nasabing aktibidad.
Paglabag ang naturang ilegal na aktibidad sa Article IX Section 50 ng Municipal Ordinance 2004 – 02.
Dinala ang mga mangingisda sa Loay Municipal Police Station para sa pagsasampa ng kaso.
READ NEXT
Pangulong Duterte, personal na inutusan si Duque na huwag nang magsagawa ng bidding process sa pagbili ng PPE
MOST READ
LATEST STORIES