Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya mismo ang nag-utos kay Health Secretary Francisco Duque III na huwag nang magsagawa ng bidding process sa pagbili ng mga protective personal equipment (PPE) sa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.
Ayon sa Pangulo, nais niya kasing madaliin ang pagbili ng mga kagamitan para may magamit na proteksyon ang health workers.
Sinabi pa ng Pangulo na kung mayroon mang dapat na makulong, siya ang dapat na ikulong at hindi si Duque.
Karaniwang inaabot ng isang buwan ang bidding process.
Ayon sa Pangulo, nais niyang matapos ang bidding process sa loob lamang ng isa o dalawang araw.
Inimbestigahan si Duque ng Senado dahil sa pagpuna ng Commission on Audit (COA) sa P67 bilyong COVID-91 fund ng pamahalaan.