Negatibo sa COVID-19 si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa isang pasyente na tinamaan ng nakakahawang sakit.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Robredo na nakuha na niya ang resulta ng kaniyang RT-PCR test.
“I’ve been exposed so many times but the latest was my closest call to date. So thank God, really!! I was again spared,” ani Robredo.
Gayunman, tatapusin pa rin aniya niya ang 14 araw na quarantine bilang pagtalima sa COVID-19 guidelines.
“For the next 7 days, I will continue to be working from home,” saad nito.
Dagdag ni Robredo, “I’ve been raring to go back to the office because I have a gazillion things to do.”
Matatandaang sinimulan ni Robredo ang kaniyang quarantine noong nakaraang Martes base sa kaniyang Facebook post.