Magpapagawa ang pamahalaan ng memorial wall para kilalanin ang kabayanihan ng medical frontliners na nasawi habang tumutugon sa pandemya sa COVID-19.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr., target ng pamahalaan na matapos ang konstruksyon ng memorial wall sa December 2021.
Ayon kay Galvez, nasa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang memorial wall na nakalaan para sa mga doktor, nurse at iba pang medical personnel na nasawi.
Pipilitin aniyang matapos ito sa loob ng 41 araw o sa loob ng tatlong buwan.
Sinabi pa ni Galvez na nakikipag-ugnayan na siya kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang stakeholders para sa design ng memorial wall.
MOST READ
LATEST STORIES