Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (August 31), pumalo na sa 1,989,857 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 145,562 o 7.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 13,827 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
95.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.4 porsyento ang asymptomatic; 0.99 porsyento ang moderate; 1.1 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 118 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 33,448 o 1.68 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 16,759 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,810,847 o 91.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.