Negros Occidental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Negros Occidental, Martes ng hapon.

Base sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 29 kilometers Northwest ng Hinoba-an bandang 1:12 ng hapon.

21 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, nakapagtala ng intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV – Hinoba-an, Negros Occidental
Intensity III – Sipalay City, Negros Occidental

Instrumental Intensities:
Intensity III – Sipalay City, Negros Occidental
Intensity I – Bago City, Negros Occidental

Sinabi naman ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa nasabing bayan at mga karatig-lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...