Sen. Pacquiao balik-Pilipinas, itutuloy ang pagbubunyag sa korapsyon

Nakabalik na ng Pilipinas si Senator Manny Pacquiao matapos ang ilang linggo na pagkakawala sa paghahanda sa kanyang naging laban sa Las Vegas, Nevada noong Agosto 22.

Ayon sa kampo ng senador, sasailam sa self-quarantine ang Pambansang Kamao, kasama ang kanyang pamilya at nakasama sa US, bilang pagsunod sa protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga returning overseas Filipinos (ROFs).

At pagkatapos ng kanyang quarantine ay balik-trabaho siya sa Senado at ipagpapatuloy niya ang mga pagbubunyag ukol sa katiwalian sa gobyerno.

Kahapon, nakadalo pa ‘virtually’ si Pacquiao sa national council meeting ng PDP-Laban, kung saan pinalitan ni Sen. Koko Pimentel III si Pangulong Duterte bilang national party chairman.

Samantala, ibinahagi din ng kampo ni Pacquiao ang mga sumalubong sa kanyang pagbabalik sa bansa sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila.

Marami ang nagsabit at nagbitbit ng tarpaulins na may mensahe ng pagsalubong sa pag-uwi ng Pambansang Kamao.

Read more...