Mayor Isko Moreno pinatatakbong pangulo ng bansa ng sectoral leaders sa Cagayan Valley

Manila PIO

Hinihimok ng iba’t-ibang sectorial leaders sa Cagayan Valley si Manila Mayor Isko Moreno na tumakbong pangulo ng bansa sa 2022  atilnal elections.

Ayon kay Attorney Hang Liggayu-Espejo, regional convenor ng Ikaw Muna Pilipinas chapters, si Moreno ang pinakaakmang lider na maging pangulo ng bansa.

Sinabi pa ni Liggayu-Espejo, na umaasa ang kanilang hanay na tatakbong pangulo ng bansa si Moreno dahil taglay nito ang mga katangian ng isang lider.

Aabot sa 200 na youth at sectoral leaders ang dumalo sa consultation meeting na isinagawa sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at Cagayan.

Sinabi naman ni Thomas Orbos, national lead convenor na epektibo at naging mayor ang pagresponde ni Moreno sa COVID-19 pandemic.

 

 

Read more...