Nakahanda si Health Secretary Francisco Duque III na magbitiw sa puwesto.
Pero ayon kay Duque, gagawin niya lamang ito kapag nalinis na ang pangalan ng Department of Health sa Commission on Audit.
Una rito, pinuna ng COA ang P67 bilyong COVID fund ng DOH.
Sinabi pa ni Duque na nakikiusap siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan muna siya ng tsansa na maayos ang gusot sa DOH.
Una nang pinagsabihan ni Senador Bong Go si Duque na magsagawa ng supreme sacrifice at magbitiw na lamang sa puwesto.
Kaunting panahon na lamang aniya ang kanyang hinihiling sa Pangulo.
Kumpiyansa naman si Duque na hindi maapektuhan ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya kahit na magbitiw siya sa puwesto.
MOST READ
LATEST STORIES