234 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa PNP

Aabot sa 234 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Base sa talaan ng PNO Health Service, nasa 34,188 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 ang naitatala sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 32,234 naman ang nakarekober sa naturang sakit.

Umakyat naman sa 103 ang bilang ng mga nasawi matapos madagdag sa talaan ang isang personnel.

Base sa talaan ng Department of Health, nasa 1,916,461 na ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

 

Read more...