NCR mananatili sa MECQ hanggang September 7

Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Modified Enhanced Community Quarantine sa National Capital region.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili ang MECQ hanggang September 7.

Nasa MECQ rin ang Apayao, Ilocos Norte, Bulacan at Bataan sa Region 3, Cavite, Lucena City, Rizal at Laguna sa Region 4-A; Aklan, Iloilo Province at Iloilo City sa Region 6, Lapu-Lapu City, Cebu City at Mandaue City sa Region 7; at Cagayan de Oro City.

Ayon kay Roque, ang NCR, Bataan at Laguna ay mayroong karagdagang restrictions sa dining, personal care services at religious activities.

Nasa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions naman ang Ilocos Sur, Cagayan, Quezon at Batangas sa Region 4-A, at Naga City sa Luzon; Antique, Bacolod City at Capiz sa Region 6, Cebu Province at Negros Oriental sa Region 7 sa Visayas; Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao de Oro sa Region 11 at Butuan City sa Mindanao.

Nasa GCQ ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region, Santiago City, Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya sa Region 2, Tarlac sa Region 3, at Puerto Princesa sa Region 4-B sa Luzon; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6 sa Visayas; Zamboanga Sibugay, Zamboanga City at Zamboanga del Norte sa Region 9, Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands sa CARAGA, at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Mindanao.

Ayon kay Roque, ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

 

Read more...