Pakiusap ni Sen. Go kay Sec. Duque na mag-sakripisyo na ikinagulat ni Sen. Lacson

Sa gitna ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, pinayuhan ni Senator Christopher Go si Health Secretary Francisco Duque III na gawin na ang nararapat na sakripisyo sa tamang panahon.

Ang payo na ito ni Go ay ikinagulat ni Sen. Panfilo Lacson.

‘’Can a senator ask a secretary to resign?’’ tanong agad ni Lacson matapos marinig ang pahayag ng kapwa senador.

Sinabi pa ni Lacson na maaring hilingin ng mga senador ang pagbibitiw ng isang kalihim sa pamamagitan naman ng isang resolusyon.

Noong nakaraang taon, maraming senador ang hiniling na ang pagbibitiw sa puwesto ni Duque bunsod naman ng mga isyu sa paggamit ng pondo ng Philhealth.

Ngayon, nadidiin si Duque sa ipinapalagay na maling paggasta ng pera para sa COVID 19 response ay may ilang senador ang muling hiningi ang ‘ulo’ ng kalihim sa Malakanyang.

Ipinagtanggol naman siya ni Pangulong Duterte sa katuwiran na walang maling ginawa ang kalihim at sinabi pa nito na handa siyang bumagsak ngunit hindi niya bibitawan si Duque.

Read more...