Mga establisyementong umuupa sa NAIA, hindi muna sisingilin ng renta sa buong 2021

Hindi na muna sisingilin ng renta ang mga establisyementong umuupa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos aprubahan ni Transportation Secretary Art Tugade.

Waived na ang rental payments ng mga concessionaires sa food, retail at lounge sa NAIA simula July 1 hanggang December 2021.

Matatandaang inaprubahan ni Tugade ang initial waiver para sa rental payments ng mga concessionaire sa NAIA noong January hanggang June 30, 2021.

Read more...