Biyahe ng MRT-3, isang oras nagka-aberya

FILE PHOTO/ERWIN AGUILON
FILE PHOTO/ERWIN AGUILON

Naperwisyo muli ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 ngayong Sabado (April 30) ng umaga.

Isang oras na nagpatupad ng provisional operation ang pamunuan ng tren dahil sa problema sa sistema nito.

Mula alas 6:00 ng umaga North Avenue hanggang Shaw Bulevard stations lamang at pabalik ang biyahe ng MRT-3 at walang biyahe mula Shaw Boulevard hanggang Taft stations at pabalik.

Ayon sa mga gwardya sa istasyon, may problema sa train system ng MRT-3.

Alas 7:03 naman ng umaga nang maibalik sa full operation ang biyahe ng mga tren.

Sinabi ng operation center ng MRT-3 na labing dalawang tren ang bumibiyahe at nagseserbisyo sa mga pasahero ngayong araw ng Sabado.

Read more...