Gilbert Repizo, nagresign na sa Bureau of Immigration

AC RepizoTinanggap na ni Pangulong Aquino ang resignation ni Bureau of Immigration associate commissioner Gilbert Repizo.

Kinumpirma ito mismo ng tagapagsalita ng Immigration na si Nikki Reyes.

Isinumite umano ni Repizo ang kaniyang resignation letter noon pang Enero, ngunit ngayon lang ito inaprubahan.

Una nang naging matunog ang pangalan ni Repizo dahil sa
kontrobersyal na deportation case ng puganteng Chinese na si Wang Bo na inakusahang nanuhol ng mga mambabatas para tiyakin ang pag-pasa ng Bangsamoro Basic Law.

Gayunman, ayon sa mga sources sa ahensya, ang kaniyang pagre-resign ay may kinalaman sa paglipat ng kaniyang appointed staff sa Port Operations.

Read more...