Sen. Go kay Duque: Make the sacrifice, naaawa na ako sa Pangulo

 

Sa labis nang pagkaawa kay Pangulong Duterte, hiniling na ni Senator Christopher Go kay Health Secretary Francisco Duque III na mag-sakripisyo na.

“To Secretary Duque, matagal ka ng kilala ni Pangulo, alam naman natin at alam ni Pangulo, isa kang tapat sa tungkulin kaya nga po ikaw ang kanyang pinili pagkatapos ng isang secretary,” sabi ni Go.

Pinasalamatan ni Go ang kalihim sa pagtanggap na maging miyembro muli ng gabinete at aniya ito ay itinuturing niyang sakrispisyo sa bahagi ni Duque.

Dagdag pa nito sa mensahe niya kay Duque na patuloy na nagtitiwala sa kanya ang Punong Ehekutibo at marami na itong nagawa para sa bansa at mga kapwa Filipino.

Ayaw naman niyang makompromiso ang kapakanan ng sambayanan dahil sa mga isyu na kinasasangkutan ng kalihim.

“My word of advice is make the supreme sacrifice when the right time comes. For now, may hearing naman tayo dito sa Senate Blue Ribbon Committee, clear yourself and the DOH, lahat po ng empleyado ng DOH, and address COA’s findings. Gusto ng tao malaman ang katotohanan. Importante, lumabas po kayo na malinis, lumabas ka ng malinis,” payo nito kay Duque.

Muli din inulit ng senador kay Duque na magsakripisyo na dahil naaawa na siya kay Pangulong Duterte dahil sa pagbalikat ng mga problema.

Read more...