Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa P5.024-trillion 2022 national budget, sinabi ni PAGCOR Chair at CEO Andrea Domingo na dahil sa health crisis ay higit pa sa kalahati ang nawala sa kanilang total income.
Sa 2020, umabot lamang sa P36 bilyon ang total income ng PAGCOR malayo sa P104.65 bilyon noong 2018 at P81.97 bilyon noong 2019.
Sa tantya naman ng PAGCOR, ang estimated income na malilikom naman sa katapusan ng 2021 ay nasa P36.84 bilyon lamang.
Mula January hanggang July 2021, aabot pa lamang sa P19.45 bilyon ang nakokolekta ng ahensya.
Dahil sa pagbagsak ng kita ng PAGCOR, apektado rin ang kontribusyon sa nation-building na umabot lamang sa P21.62 bilyon noong 2020.
Sa 2022, target ng PAGCOR na maitaas sa P50.75 bilyon ang kita at P33.19 bilyon naman ang maibigay na kontribusyon sa mga proyekto ng pamahalaan.